ni Lolet Abania | July 19, 2020
![Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.](https://static.wixstatic.com/media/b16d6f_62ea512d0f5d45c5b0453e49bd077149~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/b16d6f_62ea512d0f5d45c5b0453e49bd077149~mv2.jpg)
Natupok ang 80 stalls sa Leon Public Market sa Iloilo matapos na lamunin ng sunog.
Nag-umpisa ang sunog ng alas-4 ng hapon, kahapon na umabot ng halos dalawang oras na pag-apoy habang nakikipaglaban ang mga bumbero. Idineklarang fireout ng alas-6 ng gabi ang sunog.
Ayon kay Leon Bureau of Fire Protection na si Fire Officer II John Anthony Treviles, hindi pa matukoy ang halaga ng mga ari-ariang napinsala at kung saan nagsimula ang apoy.
Aniya pa, walang tao ang palengke ng naturang lugar dahil isinasailalim ito sa disinfection nang maganap ang sunog. Ilan sa mga stalls na natupok ay tindahan ng mga plastic wears at mga damit.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng BFP sa nangyaring sunog sa palengke ng Iloilo.
Comments