ni Gina Pleñago | June 23, 2020
Isang 80-anyos na babae, siyam na kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at walong iba pa ang mga naitalang gumaling sa COVID-19, pinakamalaking bilang ng recovery cases sa Las Piñas City.
Ayon kay Las Piñas City Health Office Chief, Dr. Ferdinand Eusebio, kasama sa mga gumaling ang 80-anyos na babae na isang retiree, habang ang iba naman ay CENRO staff, physician, seafarer, nurse, bank employee at manager.
Ayon sa LPCHO, nasa 423 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19,234 dito ang gumaling sa sakit, 33 ang nasawi, 156 active case, 59 sa probable at 46 naman sa suspect.
Nitong June 21, nasa kabuuang 5,208 katao ang naisalang na sa swab testing habang 6,145 naman sa rapid testing sa lungsod.
Kahapon, June 21,2020 naitala rin ang 12 pasyenteng gumaling sa COVID-19 sa lungsod. Nalugod naman si Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar sa panibagong pagkakatala ng mga pasyenteng gumaling sa sakit sa lungsod.
Comments