top of page
Search
BULGAR

8 sunud-sunod na taon… Pag-IBIG Fund, nasungkit ang highest opinion ng COA

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | September 11, 2020




Hello, Bulgarians! Sa nakalipas na 8 taon, nakamit muli ng Pag-IBIG Fund ang highest opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa presentasyon ng financial statement.


Pormal na ibinigay ang parangal noong August 28, sa isang sulat na nagsasabi na muling nasungkit ng ahensiya ang highest rating o unmodified opinion pagdating sa presentasyon ng financial statement sa taong 2019.


“Ito ay isa na namang milestone para sa kasaysayan ng Pag-IBIG Fund. Ang 8 taong sunud-sunod na pagtanggap ng ganitong parangal mula sa COA ay isa ng patunay ng pagtupad namin sa mga pangako sa mga miyembro sa pagbibigay ng magandang serbisyo at bahagi ng adhikain ng Pangulong Duterte na maging corruption-free ang bawat ahensiya, sabi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairman ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ika-11 miyembro ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Mula 2012 hanggang 2017, nakapagbigay ang COA ng unqualified opinion sa financial statement ng Pag-IBIG Fund at unmodified opinion mula 2018 hanggang 2019. Ginagamit ng mga auditor ang unqualified at unmodified opinion bilang highest opinion sa mga government agency o korporasyon na nakapagpapasa ng financial statement ng kumpleto at nasa oras.


“Lagi nating sinasabi na nakamit na natin ang best year ever, pero ang 2019 ang masasabi nating pinaka-special. Pagdating sa performance, naabot natin ang highest net income na P34.37 bilyon. Bukod pa rito, nakamit din natin ang record-high take-out ng housing loan na P86.74 bilyon na nakatulong sa 2.59 milyong miyembro. Sa pagbibigay ng COA ng parangal na ito, napatunayang 2019 ang best year ever ng ahensiya. Sa taong 2020, dahil sa pandemya, bumaba ang ating ekonomiya ngunit hindi natin hahayaan na maging hadlang ito sa pagbibigay ng tulong at pagiging transparent sa mga operasyon at serbisyo ng ahensiya, sabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page