top of page
Search
BULGAR

8 senador sure na sa huling SONA ni P-Duterte


ni Lolet Abania | July 22, 2021



Walong senador ang personal na dadalo sa ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 26 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.


“Only eight manifested their intention to attend the SONA physically. The rest will be virtual,” ani Sotto sa isang virtual interview ngayong Huwebes. Bukod kay Sotto, ang mga senador na personal na makikinig sa SONA ni Pangulong Duterte ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Ronald dela Rosa, Senator Sherwin Gatchalian, Senator Christopher Lawrence Go, Senator Imee Marcos, Senator Ramon Revilla Jr., Senator Francis Tolentino.


Ang mga mambabatas at mga staff members na dadalo sa event ay kinakailangang mag-present ng kanilang vaccination cards, kung saan nakasaad dito na sila ay nabakunahan na dalawang linggo bago pa ang SONA ng Pangulo.


Maliban dito, kailangan din silang sumailalim sa RT-PCR swab test dalawang araw bago ang araw ng SONA. Kapag lumabas na negatibo ang resulta sa RT-PCR test, ang mga lawmakers ay kailangang sumailalim sa isa pang antigen COVID-19 test sa Lunes, Hulyo 26, na isasagawa ng Presidential Security Group sa loob ng Batasang Pambansa Complex. Ang mga mambabatas ay bibigyan ng PSG-prescribed face masks at face shields na may nakalagay na QR codes.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page