ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 3, 2020
Nawawala ang 8 katao matapos manalanta ang isang bagyo sa southeastern part ng France na nagdulot ng matinding pagbaha sa Venice, ayon sa awtoridad.
Ayon sa Meteo France, meteorological service ng naturang bansa, naitala ang 450mm ng ulan sa loob lamang ng 24 oras sa ilang lugar. Ito umano ay katumbas na ng 4 buwang ulan sa ganitong panahon ng taon.
Ang border ng naturang bansa ay itinaas sa red alert noong Biyernes at ibinaba naman ito sa orange level nitong Sabado.
Commentaires