ni Lolet Abania | August 23, 2022
Itinaas ang unang alarma sa Marikina River matapos na ang lebel ng tubig sa lugar ay umabot sa 15.2 metro ngayong Martes ng hapon dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng Severe Tropical Storm Florita.
Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Marikina, lahat ng walong floodgates na nauugnay sa Manggahan Floodway ay kanila nang binuksan.
Sa ilalim ng Marikina City’s system, ang first alarm ay itinataas kapag ang tubig ay umabot na sa 15 metro, ibig sabihin nito ay “warning.”
Ang second alarm ay itinataas naman kapag ang tubig ay umabot na sa 16 metro, na ang ibig sabihin ay “prepare.”
Habang ang third alarm ay patutunugin kapag ang water level ay nasa 18 metro na, kung saan ang ibig sabihin nito ay “evacuate.”
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Marikina, hanggang alas-4:00 ng hapon ay wala silang na-monitor na anumang insidente ng pagbaha sa lungsod.
Patuloy ang Marikina City Rescue 161 na nagsasagawa ng livestreaming sa water level sa lugar.
Comments