top of page
Search
BULGAR

780K Pfizer vaccines para sa edad 5-11, darating sa Pebrero 3 – DOH

ni Lolet Abania | February 2, 2022



Nasa tinatayang 780,000 doses ng Pfizer vaccines laban sa COVID-19 na nakalaan sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 ang nakaiskedyul na dumating sa bansa sa Huwebes, Pebrero 3, ayon sa Department of Health (DOH).


“Itong pagdating ng mga bakuna bukas, 780,000 doses as an initial supply or delivery para sa ating bansa nitong reformulated Pfizer vaccines para sa ating kabataan 5 to 11,” sabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa briefing ngayong Miyerkules.


Una nang inanunsiyo ng Malacañang na ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga edad 5 hanggang 11 ay isasagawa sa mga piling vaccination sites sa Metro Manila sa Biyernes. Ang mga vax sites ay sa Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North Edsa (Skydome), Fil Oil Gym sa San Juan City. Samantala, sinabi ni Vergeire, na may vaccination roll out din na gagawin sa SM Mega Mall sa Sabado, Pebrero 5.


Subalit ayon kay Vergeire, ang vaccination roll out ay gagawin sa SM Mega Mall sa Sabado, Pebrero 5.


Sinabi rin ni Vergeire na may kabuuang 38 pilot vaccination sites para sa pagbabakuna kontra-COVID-19 ng naturang age group ang ide-deploy sa Metro Manila sa Sabado, 5 sa Region III, at 2 naman sa Calabarzon.


“Habang ang schedule sa iba pang mga lugar ay pinag-uusapan and they will be confirming in the coming days,” ani Vergeire.


Pinayuhan naman ng kalihim ang mga magulang na irehistro na ang kanilang mga anak sa pagbabakuna sa pamamagitan ng local government units (LGuUs) o vaccination centers para maiwasan ang pagsisiksikan.


Samantala, naobserbahan aniya ng DOH na nagkaroon ng slight increase sa bilang ng mga COVID-19 cases sa mga batang edad 5 at pataas, habang ang bilang naman ng mga kaso sa edad 12 hanggang 17 ay nabawasan.


“Mula sa average na 35%, tumaas ito ng bahagya sa 37% nitong Enero,” saad ng kalihim.

Gayunman, tiniyak ni Vergeire sa publiko na wala namang dapat na ipangamba hinggil dito.


“Patuloy po ang Kagawaran ng Kalusugan sa paggawa at pagpapatupad ng mga measures at protocols upang mapigilan pa natin ang paglaganap pa ng virus,” sabi pa ni Vergeire.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page