ni Julie Bonifacio @Winner | May 25, 2024
Nakakalungkot na umabot sa pagpa-file ng demanda ang naiulat ng entertainment site na PEP.ph tungkol sa former Film Development Council of the Phils. (FDCP) chairwoman na si Liza Diño-Seguerra.
Kahapon ay nagtungo sa Quezon City Prosecutors Office ang mag-asawang Liza at Ice Seguerra kasama ang kanilang mga abogado sa pangunguna ni Atty. Regie Tongol para magsampa ng 78 counts ng cyberlibel laban sa PEP.ph editor-in-chief na si Ms. Jo-Ann Maglipon at sa news editor na si Rachelle Siazon.
Ito'y kaugnay ng diumano'y series of libelous articles na inilabas ng PEP.ph nu'ng nakaraang taon.
Ang mga sinasabing artikulo ay may kinalaman sa pag-alis ni Chair Liza sa FDCP para pumalit ang former FDCP chair na rin ngayon na si Tirso Cruz III.
Sa ngayon ay si Direk Joey Javier Reyes na ang nakaupong chairman ng FDCP.
Base sa nakuhang pahayag ng BULGAR mula kay ex-Chair Liza, panimula niya, "In May of last year, I was ambushed as malicious article after malicious article was released attacking everything about who I am - my accomplishments, my leadership, my very person. Hiding behind anonymous sources and twisted facts, these articles didn’t seek to inform, but to damage and destroy me.
"Matagal kong pinag-isipan ito. It took almost a year of endless discussions with my husband and family because this decision is difficult to make. The entertainment industry revolves around public opinion and by doing something like this, people might judge me all over again. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kaya nanahimik na ako. Pero ito ba yung tama? Why am I allowing their false narrative to be the truth when I know my truth. I know THE truth."
Dagdag niya, "So today, through my legal counsels, I filed 78 counts of cyber libel via 4 complaints at the Office of the Prosecutor of Quezon City against PEP and personalities involved in an attempt to tarnish my reputation by manipulating public opinion. There must be accountability.
"I have decided to fight back and reclaim my name and reputation through a system that is impartial to their great power and influence.
"I refuse to engage in trial by publicity and in fighting dirty. Instead, I place my trust in the justice system and its proper channels.
"Regardless of the outcome, I will rest easy knowing that I stood up for myself and demanded accountability.
"My story continues. I have so much to look forward to and so many people in my life that I cherish, and for that, I am thankful.
"So thank you to everyone who supported me and believed in me all this time."
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa namin nakukuha ang panig ng PEP.ph ngunit bukas ang aming pahayagan para sa kanilang pahayag kaugnay ng kasong isinampa sa kanila ni former Chair Liza Diño.
SEN. TULFO, TODO-HINGI NG DASAL PARA SA MADIR NA NASA ICU
Humiling si Senador Raffy Tulfo ng panalangin sa kanyang mga manonood para sa kanyang ina na si Caridad Teshiba Tulfo during his broadcast sa kanyang public service program on television last Thursday.
Malungkot na inilahad ni Sen. Raffy sa kanyang programa na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) ang kanyang ina.
Hindi na niya sinabi kung ano ang sakit nito. Basta, matindi ang kanyang pakiusap sa kanyang mga manonood na ipagdasal ang kanyang ina.
For sure, ‘di lang si Sen. Raffy ang sobrang lungkot sa ngayon, pati na siyempre ang iba pa niyang mga kapatid na sina Mon, Ben at Erwin Tulfo.
Edad 99 na ngayon ang ina ng Tulfo brothers.
Comments