ni Lolet Abania | May 14, 2022
Target na ngayon ng gobyerno para sa kanilang COVID-19 vaccination program na makapagbakuna ng nasa 77 milyong indibidwal o 85% ng eligible population sa pagtatapos ng Hunyo, ayon sa Department of Health (DOH).
“Our target would be 77 million individuals by the end of June. This is 85% of our targeted eligible population which is 90 million,” ani DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing ngayong Sabado.
“Currently that is our working target. We already were able to vaccinate 68.5 million Filipinos. We expect only a little number, we hope to reach them by the end of June,” dagdag ng opisyal.
Ini-report naman ni Vergeire na may 7,407 indibidwal ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine sa mga vaccination sites malapit sa mga polling precincts noong Mayo 9, Election Day.
“This is something small kung ikukumpara natin sa pang-araw-araw nating accomplishment pero maganda na rin po kasi nakita natin na 'yung ating mga kababayan interesado at willing magpabakuna kahit na pagkatapos pa ng eleksyon na ubod ng init ng araw,” pahayag ni Vergeire.
Kaugnay nito, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay kasalukuyang nagsasagawa ng special vaccination days dahil ito sa kanilang mababang vaccination turnout. Gayundin, ang DOH ay nag-a-assist sa Quezon sa Region 4-A, at Regions 4-B, 5, 7, at 12 upang madagdagan ang antas ng pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga naturang lugar.
Comments