ni Lolet Abania | December 8, 2020
Nakasabat ang Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ngayong Martes ng 38 kargamento na naglalaman ng 75 poker chip sets at iba pang gambling paraphernalia sa Pasay City.
Nadiskubre ang imported items sa Central Mail Exchange Center ng Philippine Postal Corporation (PPC).
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang nasabing items ay walang kaukulang permit mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at lumabag sa ipinatutupad na batas na Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.
Ayon sa BOC, nakatakda ang mga nasabat na poker sets, dealer chips at ibang gambling paraphernalia na dalhin sa cargo disposal division habang naghihintay pa ng seizure at forfeiture proceedings.
Kasunod nito, ang nakumpiskang paraphernalia ay ite-turn-over naman sa PAGCOR para sa kaukulang disposal nito.
Comentarios