ni Lolet Abania | April 30, 2022
Nasa tinatayang 75 indibidwal ang nakaranas ng food poisoning matapos na kumain ng galunggong at green mussels o tahong sa Barangay Inirangan sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.
Batay sa municipal health office ng lugar, ang nasabing pagkain ay binili sa isang ambulant vendor na naglako at dumaan sa barangay.
Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng imbestigasyon upang madetermina kung ang dahilan ng pagkalason ng mga ito ay sanhi ng red tide toxin.
Gayundin, ang mga nakuhang samples mula sa mga pasyente ay isasailalim naman sa testing para mabatid kung may presensiya ito ng red tide toxin.
Comments