ni Thea Janica Teh | September 11, 2020
Tinatayang 748 pribadong paaralan ang magsasara sa darating na pasukan dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd). Ito ay nadagdagan ng 344 mula sa naitala ng ahensiya noong Agosto.
Ayon sa Teachers’ Dignity Coalition, nagsisilbing katuwang ng private school ang mga
public schools sa pagbibigay ng edukasyon sa mga estudyante at huwag daw tingnan bilang kakumpitensiya.
Dagdag pa ni TDC National Chairperson Benjo Basas, parte rin ang private educational
institutions ng pag-ahon ng ekonomiya ng ating bansa at sila rin ay kasama sa mga lubos na naapektuhan ngayong pandemya.
Aniya, pareho lamang ang pangangailangan ng pribado at pampublikong guro na dapat
ibigay ng gobyerno sa ganitong panahon.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Basas na dahil sa pagsasara ng mga pribadong paaralan,
napipilitang lumipat ang mga ito sa pampublikong paaralan.
Kaya naman kung matutulungan ng pamahalaan ang mga guro sa private schools ay
mababawasan at mahahati ang bilang ng mag-aaral sa public schools.
“This, of course, would need funds, that’s why we address our appeal to Congress to
apportion the required budget,” sabi ni Basas.
Sa pagsasara ng mga ito, maaaring maapektuhan ang halos 40,345 estudyante at 3,233
guro, ayon sa tala ng DepEd.
Samantala, una nang sinabi ng Coordinating Council of Private Education Associations na malaking tulong ang maibibigay ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) Law sa enrollment sa private school. Nakapaloob kasi rito ang allowance na ibibigay sa mga estudyante, guro at non-teaching personnel.
Comments