ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 11, 2021
Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal at ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), patuloy itong naglalabas ng steam-rich plumes.
Naitala ng PHIVOLCS ang â74 volcanic earthquakes kabilang ang 61 volcanic tremor na may habang 1 hanggang 25 minutoâ sa nakalipas na 24 oras simula alas-5 nang umaga kahapon hanggang alas-5 nang umaga ngayong Linggo.
Ayon sa PHIVOLCS, umaabot sa 1,000 meters ang taas ng steam-rich plumes o pagsingaw mula sa main crater ng bulkan. Naitala rin ng PHIVOLCS ang sulfur dioxide flux (SO2) na umaabot sa 6,488 tonnes/day noong Sabado.
Samantala, patuloy na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang âPagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at pagpalaot sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.â
Comments