ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 18, 2020
Nawawala ang 22 military personnel sa central province ng Quang Tri, Vietnam dahil sa landslide nitong Linggo.
Tinatayang aabot na sa 70 katao ang namatay dahil sa matinding pag-ulan sa central Vietnam simula pa noong mga unang araw ng Oktubre.
Natabunan ng landslide ang army camp ng Vietnam's 4th Military Region, ayon sa Vietnam News Agency.
Saad naman ni Deputy Defence Minister Phan Van Giang, "We had another sleepless night."
Walong katao ang nakaligtas sa insidente habang hinihinalang natabunan ang iba pang nawawalang personnel.
Tatlong katawan naman ang nahukay sa paghahanap sa mga nawawala.
Samantala, inaasahang magpapatuloy ang matinding pag-ulan sa central Vietnam hanggang sa Miyerkules, ayon sa weather agency.
Comentários