7 sure win tips para sa masaganang CNY
- BULGAR
- Jan 31
- 2 min read
ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Jan. 31, 2025

Ready na ba kayong humakot ng suwerte sa pera, pag-ibig, at buhay ngayong Chinese New Year? Dahil hindi lang basta pa-cute at paandar ang CNY traditions — may dalang buenas vibes talaga ‘yan!
Heto na ang 7 sure win tips para sa masaganang 2025:
1. Wear your lucky color Sabi nga nila, dress to impress, at ngayong Chinese New Year, ang pagiging lucky na may kasamang style ang ating goal! Wear and know your lucky color para sa success at suwerte!
2. Hongbao vibes, hongbao success! Magsimula ng taon with the money magic! ‘Di puwedeng walang hongbao — ‘yung pulang sobre na may perang nagpapasok ng suwerte sa buhay. Reminder lang ha: Ilagay ang even numbers para extra good luck! Pero, rule of thumb, iwasan ang number 4. Malas ‘yan sa feng shui!
3. Suwerteng bahay, suwerteng buhay! Ang bahay mo, dapat puno ng good vibes! Ilatag ang mga pulang lanterns at gold charms sa bawat sulok, pati na rin ang Prosperity Bowl na may bigas, coins, at beans — pronto na sa never-ending na cash flow! Kung gusto mong mas magaan at mas suwabe ang daloy ng suwerte, ‘wag kalimutan ang lucky plants like bamboo or the money tree!
4. Sweep out the bad vibes! Ito na ang perfect time to declutter! Magwalis ng mga bad vibes, sweeping the dust ang peg! Alisin ang malas mula sa nakaraang taon, at i-welcome ang mga good fortune sa 2025. Clean house, clean energy!
5. Pay attention to feng shui Keep your home and workspace organized and clutter-free to attract good fortune. You know the drill — order equals prosperity. Maglagay ng mga lucky charms tulad ng snake para sa extra suwerteng dumadaloy! Ayusin mo na, hindi lang para sa bahay mo, kundi para sa happiness mo rin!
6. Don’t forget that Prosperity Bowl! Prosperity Bowl na may bigas, coins, at beans — pronto na sa never-ending na cash flow! Ready na ba? Go all out!
7. Believe in yourself, you’re the luckiest! At sa lahat ng efforts, ang pinakaimportante, believe in yourself! Walang tatalo sa sipag, tiyaga, at dasal — pero siyempre, dagdagan natin ng lucky charms at feng shui para sa extra magic.
Magsimula ng taon nang full of confidence — suwerte na, dasurv pa!Kaya mga beshie, let’s own 2025! Go big, go lucky, go successful! Gong Hei Fat Choi sa lahat!
Dasurv natin ang isang masaganang 2025!
Comments