ni Lolet Abania | June 19, 2021
Nasa pitong parachutists ang namatay habang mahigit sa labingdalawa ang sugatan matapos na bumagsak ang isang twin-engine L-410 aircraft sa kagubatan ng Kemerovo region sa southwestern Siberia, Russia, base sa report ng Russian media ngayong Sabado.
Sa ulat ng TASS news agency mula sa isang emergency service source, maliban sa pitong nasawi, tinatayang 17 katao ang nasugatan sa pagbagsak ng eroplano malapit sa Tanagi Airport.
Ayon sa pahayag ng local prosecutor office, nagpadala ang crew ng isang distress signal hinggil sa pagkakaroon ng engine failure ng kanilang eroplano bago ito tuluyang bumagsak.
Sinabi naman ni Rosaviatsia, tagapagsalita ng Russian Civil Aviation Administration sa Siberian branch, nagsasagawa na sila ng search-and-rescue sa paligid ng bumagsak na eroplano, subalit hindi na siya nagbigay pa ng ibang detalye tungkol sa insidente.
Comments