ni Lolet Abania | January 18, 2021
Binigyan ng Philippine Air Force (PAF) ng military honors ang apat na sundalong piloto na namatay sa helicopter crash noong Sabado sa Bukidnon.
Sa isang statement na inilabas ng PAF, ang military honors ay ipinagkaloob nu'ng Linggo nang hapon sa mga sumusunod na opisyal:
• Lieutenant Colonel Arnie Arroyo (Pilot-in-command)
• Second Lieutenant Mark Anthony Caabay (Co-pilot)
• Staff Sergeant Mervin Bersabi (Gunner/Crew chief)
• Airman First Class Stephen Agarrado (Gunner)
Gayundin, ang tatlong pasahero na nasawi sa pagbagsak ng helicopter na sina Sergeant Julius Salvador at Citizen Armed Force Geographical Unit Active Auxiliaries Jerry Ayukdo at Jhamel Sugalang ay binigyan din ng pagkilala kasama ng mga namatay na airmen sa isang misa.
Ang mga labi ng apat na namatay na airmen ay dinala sa Cebu City habang ang tatlong iba pa ay dinala naman sa kanilang bayan sa Malaybalay, Bukidnon.
Ayon sa mga awtoridad, ang helicopter na nasa isang resupply mission ay bumagsak dahil sa “engine trouble”.
Comments