top of page
Search
BULGAR

7 illegal websites ng e-sabong, isinara — DILG

ni Lolet Abania | May 25, 2022



Pitong ilegal na websites ng e-sabong operations ang ipinasara na habang iimbestigahan ang administrators ng mga ito, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Miyerkules.


Sa isang statement, sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, nagsasagawa na ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ng imbestigasyon para tukuyin ang mga administrators ng ilegal na mga websites.


“These criminals thrive on the anonymity of the internet and they are taking advantage of this, but the PNP together with our colleagues from the National Bureau of Investigation will not rest until they have been unmasked,” ani Malaya.


Sa ngayon, nakapag-monitor ang PNP ng 12 websites at walong social media platforms na patuloy na nag-o-operate ng e-sabong activities sa kabila ng pagba-ban nito na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Malaya, nakipag-ugnayan na ang DILG sa Department of Information and Communication Technology (DICT) upang isara ang mga naturang websites. Gayundin aniya, hiniling na ng ahensiya sa Meta, ang parent company ng Facebook, na agad na i-delete o i-suspend ang mga pahina ng kanilang platform na nagsasagawa ng e-sabong activities.


Sinabi rin ni Malaya na humingi na ang DILG ng assistance sa Globe, kung saan ang mga bettors at operators ay gumagamit ng GCash at katulad na platforms bilang mode of payment, upang maiwasan ang naturang platform na magamit sa ilegal na gawain. Matatandaang nai-report ang pagkawala ng 34 sabungeros. Kasunod nito, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng DILG na itigil ang e-sabong.


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page