ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 19, 2021
Pumalo na sa 648,066 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos maitala ang pinakamataas na karagdagang bilang na 7,103 sa loob lamang ng isang araw ngayong Biyernes mula nang tumama sa bansa ang coronavirus noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), sa tally ngayong Biyernes, hindi pa naisama ang datos mula sa 5 accredited laboratories dahil hindi nakapagsumite ang mga ito sa takdang oras.
Sa kabuuan ay umabot na sa 73,264 ang aktibong kaso kung saan 93.9% ang mild, 3.3% ang asymptomatic, 1.1% ang severe at 1% ang nasa kritikal na kondisyon.
Naitala rin ang 13 karagdagang bilang ng mga pumanaw at sa kabuuan ay umabot na ito sa 12,900.
Tumaas naman sa 390 ang bilang ng mga gumaling na at sa kabuuan ay 561,902 na.
Samantala, sa ngayon ay umabot na sa 241,000 ang bilang ng mga healthcare workers na nabakunahan at patuloy pa rin ang vaccination program ng pamahalaan.
Comments