ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 29, 2021
Umabot na sa 656,331 indibidwal ang nabakunahan laban sa COVID-19 base sa datos ng Department of Health (DOH).
Samantala, umabot sa 80% o 1,233,500 ng 1,525,600 doses ang naipamahagi na sa mga vaccination centers.
Ayon pa sa DOH, umabot sa 2,494 vaccination sites sa 17 rehiyon ng bansa ang nagsagawa ng pagbabakuna.
Tinatayang nasa 1.7 milyong healthcare workers naman ang target mabakunahan ng pamahalaan.
Nakatanggap na ang bansa ng 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines mula sa China bukod pa sa mga bagong dating ngayong araw.
Umabot naman sa 525,600 doses ng AstraZeneca ang natanggap ng pamahalaan mula sa COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).
Samantala, ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, maaantala ang pagdating ng mahigit 900,000 doses ng AstraZeneca vaccines sa bansa.
Pahayag niya, “‘Yung AstraZeneca na 979,000 (vaccine doses), ang sabi ni Sec. (Carlito) Galvez, it’s not going to happen last week or this week. Nagsabi rin naman ang WHO sa atin na there might be some delays sa pagbibigay sa atin ng COVAX Facility.
“The assurance was there na darating ito ng April or early May.”
Comentários