top of page
Search
BULGAR

65.6 % ng edad 12-17 bakunado na kontra-COVID – DOH

ni Lolet Abania | February 6, 2022



Mahigit sa 60 porsiyento na ng mga kabataang edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated kontra-COVID-19 mula nang simulan ang rollout ng pagbabakuna para sa naturang grupo ng menor-de-edad noong Nobyembre ng nakaraang taon, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).


“We are happy to report na maganda naman ang coverage natin sa ating rest of pediatric population,” sabi ni DOH Undersecretary at National Vaccines Operation Center (NVOC) head Myrna Cabotaje sa isang radio interview ngayong Linggo.


“Naka-77 percent na tayo ng first dose so 8.8 million out of 11.4 million, tapos mga 65.6 % na rin ang ating second doses,” dagdag ni Cabotaje.


Subalit, ayon kay Cabotaje, ang mga batang may comorbidity ay nasa 23% lamang o 299,000 mula sa 1.2 milyong kabataan ang fully vaccinated laban sa COVID-19.


“Siyempre medyo nag-aatubili pa ‘yung mga may anak na may karamdaman,” saad ng kalihim.


Nang tanungin naman ang opisyal hinggil sa pagbibigay ng booster shots sa naturang age group, ani Cabotaje, “it is in the horizon, but there are no studies yet to recommend additional doses for children aged 12 to 17.”

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page