ni Lolet Abania | September 13, 2021
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 640 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant kaya umabot na sa kabuuang 2,708 cases ng virus ngayong Lunes.
Ayon sa DOH, sa 640 bagong kaso ng Delta variant, nasa 584 ang local cases, 52 ay returning overseas Filipinos (ROF). “Four cases are currently being verified if these are local or ROF cases,” pahayag ng DOH.
Sa 584 local cases, may 112 na residente ng National Capital Region, 52 sa Cagayan Valley, at 49 sa Calabarzon.
Sinabi rin ng ahensiya na ang dalawa pang Delta cases na nai-record ay residente naman ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
“Based on the case line list, three cases are still active, 13 cases have died, while 624 cases have been tagged as recovered,” ani DOH. “Case details are being validated by the regional and local health offices.”
Sinabi pa ng DOH na ang latest count ay mula sa 748 samples na na-sequence ng University of the Philippines-Philippine Genome Center at ng University of the Philippines-National Institutes of Health.
Comments