top of page
Search
BULGAR

64,797 dengue cases, naitala – DOH

ni Lolet Abania | July 11, 2022



Umabot na sa 64,797 dengue cases ang nai-record sa bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2022, na nasa 90% increase kumpara sa mga kaso na nai-report sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.


Base sa National Dengue Data ng DOH, mayroon lamang 34,074 dengue cases na nai-record mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2021.


Sinabi ng DOH, 274 katao na ang namatay ngayong taon dahil sa dengue, kung saan nasa 0.4% case fatality rate ang naitala.


Sa 274 na nasawi, 36 ay naganap noong Enero, 32 noong Pebrero, 39 noong Marso, 46 noong Abril, 63 noong Mayo, at 58 nitong Hunyo.


Binanggit naman ng DOH na mayroong 21,115 dengue cases ang nai-record mula Mayo 29 hanggang Hunyo 25, 2022 lamang.


Sa nasabing bilang, 18% ay naitala sa Central Luzon na 3,902 cases. Kasunod ang Central Visayas na may 2,316 cases na 11%, at National Capital Region (NCR) na may 1,997 cases na 9%.


Ayon sa DOH, “Cumulatively, most of the dengue cases or 15% were still reported in Central Luzon with 9,426 cases. It is followed by Central Visayas with 7,741 (12%) and Zamboanga Peninsula with 5,684 cases (9%).”


Nitong Biyernes, ipinahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagtaas ng mga dengue cases sa bansa ay talagang nakaaalarma dahil ilang mga indibidwal na sa ngayon ang ina-admit sa mga ospital.


Una nang pinaalala ng DOH sa publiko na i-practice ang tinatawag na 4S behavior para labanan ang dengue, ito ani ahensiya: “Search and destroy breeding places; Secure self-protection; Seek early consultation; and Support fogging or spraying in hotspot areas, especially now during the rainy season.”

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page