ni Lolet Abania | October 18, 2021
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 633 bagong kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 ngayong Lunes.
Sa isang media briefing, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa latest run nitong Oktubre 16 ay nakapag-sequenced ng kabuuang 748 samples mula noong Setyembre.
Sa mga nakuhang sample, 633 ang nagpositibo sa test sa Delta variant, anim na kaso ay positibo sa test sa Beta variant, at tatlo naman ang nagpositibo sa test sa Alpha variant.
Ayon kay Vergeire, may kabuuang 17,147 samples na ang kanilang na-sequenced, kung saan 88.46% o 15,168 ang nasa lineage.
Nananatili naman ang Delta variant sa tinatawag na most common lineage mula sa lahat ng mga samples sequenced sa buong bansa na nasa 29.2%.
“All 17 regions either have an Alpha, Beta, or a Delta variant case. In the National Capital Region, all cities and the lone municipality were found to have a variant of concern,” ani Vergeire.
Comentarios