ni Lolet Abania | February 5, 2022
Nasa 62 mula sa 101 licensure examinations na nakaiskedyul para sa 2021 lamang ang naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC).
Sa interview sa Laging Handa briefing ngayong Sabado, sinabi ni PRC chairperson Teofilo Pilando Jr. na mas mataas aniya ang bilang pa nito kumpara sa 11 mula sa 85 examinations na naisagawa noong 2020.
“Of course, hindi naging madali ang pagsasagawa ng examinations last year dahil ongoing pa rin ang pandemya, at saka pabago-bago pa rin ang community quarantine classifications, travel restrictions, at safety protocols. But we were able to conduct these examinations,” paliwanag ni Pilando.
Ini-report din ni Pilando na ang dentist practical examinations lamang sa National Capital Region (NCR) ang na-postponed ngayong 2022 sa gitna ng surge ng COVID-19 cases. Gayunman, ang eksaminasyon ay itinuloy sa ibang rehiyon.
Ayon sa opisyal, halos 1,500 examinees ang apektado sa kanselasyon ng pagsusulit. Target naman ng PRC na ituloy ang mga may Special Professional Licensure Examination (SPLE) sa mga selected cities overseas o sa piling mga siyudad sa ibang bansa ngayong taon, kung papayagan ang COVID-19 restrictions sa Pilipinas at sa host countries.
Samantala, sinabi ni Pilando na kinokonsidera na rin ng PRC na magsagawa ng pagbabago sa licensure examinations.
Ayon sa opisyal, bahagi ng plano ng commission, ang pagkakaroon ng computer-based licensure tests, hybrid type ng examinations, at vaccination requirements para sa mga examinees at personnel.
“This will be a transition from the conventional pen and paper exam and will be more manageable given current conditions. . . Again this will depend on the rules, technology, available resources and acceptability by all concerned stakeholders,” sabi ni Pilando sa interview habang aniya, sa ngayon, ang computer-based pa lamang ay ang board exams para sa psychologists.
Binanggit naman ni Pilando na pinag-iisipan ng PRC na gawin na ring computerized ang mga sumusunod na licensure examinations:
• Aeronautical engineering
• Dental hygienist and technologist
• Guidance and counseling
• Geologist
• Metallurgical engineering
• Naval architecture
• Sanitary engineering
Subalit, giit ni Pilando ang safety protocols, gaya ng COVID-19 vaccination, aniya, “strictly implemented during the preparation, during, and post-preparation of the examinations.”
Comments