ni Lolet Abania | January 27, 2022
Nakapagtala ang bansa ng 618 dagdag na kaso ng mas nakahahawang Omicron COVID-19 variant, kung saan 497 ay local cases at 121 mga returning overseas Filipinos (ROFs).
Dahil dito, ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa kabuuang 1,153 ang kumpirmadong kaso ng Omicron sa bansa.
Sa mga local cases, 238 dito ay naitala ang address sa National Capital Region, 71 sa Calabarzon, tig-30 sa Ilocos Region at Western Visayas, 28 sa Eastern Visayas, 27 sa Central Luzon, 20 sa Central Visayas, 19 sa Cagayan Valley.
May 13 naman sa Cordillera Administrative Region (CAR), 10 sa Davao Region, 6 sa SOCCSKSARGEN, tig-2 sa Bicol Region at Mimaropa, at 1 sa Northern Mindanao.
Ayon pa sa DOH, nasa 13 kaso ang nananatiling aktibo.
May kabuuang 5 indibidwal naman ang nasawi sa Omicron.
Sinabi ng ahensiya, mula ito sa latest run sequenced na 677 samples, kung saan 91.29% ay lumabas na Omicron variant.
Comments