ni Madel Moratillo | February 2, 2023
Nakapagtala ng 613 bagong kaso ng Omicron sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), mula ito sa 694 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center.
Sa nasabing bilang, 252 ang natukoy na BA.2.3.20, 201 ang XBB, 25 ang BA.5 kasama na rito ang 18 kaso ng BQ.1, 15 na XBC, 2 BA.2.75, at 118 na iba pang sublineage ng Omicron.
Ang mga bagong kaso na ito ng BA.2.3.20 at XBB ay local cases na natukoy sa iba pang rehiyon sa bansa maliban sa Eastern Visayas, Northern Mindanao at Davao Region.
Sa 25 BA.5 cases naman, 16 dito ang local cases at ang iba ay Returning Overseas Filipinos.
Natukoy naman sa Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at CARAGA ang 15 bagong
XBC cases habang ang 2 BA.2.75 cases ay mula sa Central Visayas at CARAGA.
Pinawi naman ng DOH ang pangamba ng publiko dahil normal umano sa virus ang mag-mutate basta mayroong host.
Kaya paalala ng kagawaran sa publiko, manatiling sumunod sa health protocol at magpabakuna na laban sa COVID-19.
Kommentare