top of page
Search
BULGAR

61 Pinoy hotel workers, lumipad na patungong Israel

ni Lolet Abania | June 2, 2022



Nasa 61 Filipino hotel workers ang unang batch, na nakatakda sanang i-deploy ng gobyerno noong 2020 nang tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa, ay inaasahang darating sa Israel ngayong Huwebes, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).


Batay sa DMW, ang pagdating ng 61 OFWs sa Holy Land ngayong Hunyo 2 ay bahagi ng inisyal na 500 Pinoy workers na dapat umanong ipadala sa Israel noong 2020.


“As Israel reopens its tourism industry, the Department of Migrant Workers is looking forward to sending more qualified workers to supplement its growing demand in the hospitality sector, while making sure that the best terms and condition for our OFWs are being met,” ani DMW Secretary Abdullah Mama-o sa isang statement.


Binanggit ng opisyal na ang naturang deployment ay bahagi ng umiiral na bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Israel na nilagdaan noong 2018 kung saan nakasaad, “which allows strengthened protection and employment opportunities to Filipino hotel workers.”


Pinoprotektahan din nito, ang mga OFWs mula sa pagbabayad ng mga excessive fees sa mga pribadong ahensiya dahil ang pag-hire at deployment ng mga ito ay sa ilalim ng tinatawag na government-to-government scheme.


Sinabi rin ng DMW na ang mga na-deploy na OFWs para magtrabaho sa Israel ay maaaring kumita ng minimum salary na 5300 NIS o humigit-kumulang sa P75,000 kada buwan, habang may benefits kabilang dito ang medical insurance at foreign workers deposit funds mula sa kanilang sariling employers.


Ayon pa sa ahensiya, layon nilang mag-recruit ng mas maraming Pinoy hotel workers habang ang Population and Immigration Authority ng Israel ay naghahanap ng ire-recruit naman ng higit pang mga manggagawa na pupuno sa kanilang lumalaking hospitality industry.


Una na ring inanunsiyo ng Israel na kaya nilang mag-accommodate ng 2,000 home-based caregivers, kung saan maaaring kumita ang mga ito ng humigit-kumulang sa P77,000 kada buwan.


Ayon naman kay Israel Ambassador Ilan Fluss, mas gusto ng gobyerno ng Israel ang mga Filipino workers dahil sa anila, ang mga ito ay matitiyaga at masisipag.


“There is a lot of appreciation for the Filipino workers in Israel and hardworking, very loyal, and as you know caregiver is a very sensitive area in taking care of people,” sabi niya.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page