ni Lolet Abania | February 11, 2021
Mahigit sa kalahating milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinovac ang nakatakdang dumating sa bansa sa February 23, ayon sa pahayag ng Malacañang.
Sa isang press briefing ngayong Huwebes, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang 600,000 doses ay darating sa naturang petsa, kabilang din ang 100,000 doses na donasyon ng Chinese government para sa Department of National Defense.
"Ang bakuna po ng Sinovac na galing China, nakaukit na po sa bato ang pagdating. Sa 23 ng Pebrero darating ang Sinovac," sabi ni Roque.
Gayunman, hindi pa nakapag-isyu ng emergency use authorization (EUA) para sa Sinovac ang Food and Drug Administration, isang requirement ito sa isang vaccine para legal na makapag-administer sa bansa.
Ang efficacy rate ng Sinovac ay lumabas na 50%, 65% at 91% mula sa isinagawang mga human trials sa Brazil, Indonesia at Turkey.
Comments