top of page
Search
BULGAR

60 personnel ng MMDA, may COVID-19

ni Lolet Abania | January 5, 2022



Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Romando Artes na nasa 60 personnel ng MMDA ang nagpositibo sa test sa COVID-19.


Sa Kapihan sa Manila Bay forum ngayong Miyerkules, sinabi ni Artes na 100 empleyado ng MMDA ang sumailalim sa COVID-19 testing nitong Martes at nang lumabas ang kanilang resulta, tinatayang 60 indibidwal ang tinamaan ng coronavirus.


“Right now po, mayroon po tayong infections... in fact kahapon po nagpa-swab tayo ng may mga symptoms, out of 100, it was reported this morning, ‘yung na-swab kahapon, ay nasa 60 plus po ‘yung positive,” ani Artes.


Ayon sa opisyal, karamihan sa mga kaso ay mild at asymptomatic, kung saan halos lahat ng mga empleyado at workers ng MMDA ang nabakunahan na kontra-COVID-19.


Aniya, patuloy naman ang MMDA na nagsasagawa ng booster shots para sa kanilang mga manggagawa. Gayundin, nitong Martes, nakapag-administer sila ng booster shots para sa 680 personnel. Sinabi rin ni Artes na mayroong tinatayang 8,000 empleyado ng MMDA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page