ni MC @Sports | November 5, 2023

Noong nakaraang taon lang, ang Pinay na jiujiteira na si Aleia Aielle Aguilar ang pinakabatang naging world champion sa combat sports na kung saan kilala ang kanyang buong pamilya sa naturang sport.
Noong Huwebes, ang 6- na taong gulang na anak nina Alvin Aguilar- ang founding father ng Filipino mixed martial arts at Maybelline Masuda ay nanatiling may hawak ng korona para sa ikalawang sunod na world title sa 2023 Abu Dhabi World Festival Jiu-Jitsu Championships sa Mubadala Arena sa United Arab Emirates.
Dahil sa karanasan ni baby Aguilar tinalo niya si United Arab Emirates bet Maitha Earani at napabagsak niya sa armbar maneuvering sa loob ng 12 segundo para sa gold medal ng Girls Kids 2 white belt 17 kg category.
“Great to see my daughter fighting and representing the flag this time. Her hard work, discipline have finally paid off in training all these years,” ani Aguilar. “Last year, I didn’t see it live, so I am happy and we’re all very proud of you for making another historic moment for the Philippines.”
Tinalo niya si Brazilian Gabriella Kulzer, 4-1 sa semifinal round. Idinagdag ng amang si Aguilar na hindi kumurap ang kanyang anak sa harap ng kalaban tuwing susugod ito.
“She is always ready every time they move, every time they try to something on the mat. She is fearless,” paglalarawan niya.
Sinaksihan nina Alvin, misis niyang si Masuda at anak na sina Lucho at Axelia ang great performance ng kanilang little cute daughter na si Aleia Aielle na ibinalabal ang bandila ng Pilipinas sa kanyang balikat matapos ang matamis na panalo.
Dumating si Aguilar, pangulo ng Wrestling Association of the Philippines, founding head ng Universal Reality Combat Championship at DEFTAC Philippines sa Abu Dhabi matapos gabayan ang Philippine delegation sa matagumpay na kampanya sa World Combat Sports bilang chef de mission.
コメント