top of page
Search
BULGAR

6 tips para 'di tamarin sa gawaing-bahay

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 24, 2021



Nasa quarantine period tayo at marami ang work-from-home at marami rin ang napirmi na lamang sa bahay, nawalan ng trabaho o naging caretaker. Paano kung hindi mo nakasanayan ang maglinis ng bahay, naku napakahirap nitong gawin at napakaraming dapat ayusin, lalo na kung iniisip mo kung paano ka magsisimulang kumilos. Heto ang ilang tips para hindi ka tamarin at mamotiba na tumayo, gamitin ang mga kamay, paa at tuhod, anumang parte na kailangan ng katawan para matapos ang gawaing-bahay.


1. Ipasilip sa kapitbahay para makita ng iba at masaksihan nila kung paano ka maglinis ng iyong sariling mga kalat, iyan ay isang mainam na paraan para mamotiba ang sarili na maglinis ng bahay.


2. Tumingin sa mga larawan sa social media ng bahay na malinis at maayos, sa magasin, sa television home shows para mas mainspira ka na dapat magkaroon ka rin ng kaparis nilang bahay na masinop at organisado.


3. Humingi ng tulong sa kasambahay sa paglilinis. Ang magkaroon ng kasamang maglilinis ng bahay o ang may kasama sa bahay na masipag na maglinis ay nakahihikayat na maging masipag ka rin. Hindi lang sa nababawasan ang bigat ng iyong gawain sa paglilinis ng bahay, at least masaya kang may kasama kang naglilinis. Ang makita mong may katulong ka sa paglilinis ay isang mainam ding paraan upang kahit na mag-isa ka na lang na naglilinis ng bahay ay masasanay ka na sa ganitong gawain.


4. Isiping may malaking benepisyo ang paglilinis ng bahay dahil nae-ehersisyo rin ang iyong katawan.


5. Akala mo ang paglilinis ng bahay ay parang mahirap. Ang maganda ay hati-hatiin ang gawain sa buong maghapon. Magpahinga pagkaraan ng isang mabigat na ginawa at saka muling maglinis sa kabilang kuwarto matapos magpahinga. Kung hirap kang tapusin sa isang araw ang gawain, ipagpabukas na ang ibang gagawin. May iskedyul pa naman ng araw na maaaring maasikaso ang iba pang gawain. Kahit na umabot pa ng isang linggo bago matapos ang lahat ng gawaing bahay ay ayos lang, basta iskedyul na lamang ang trabaho.


6. Idiin sa sarili ‘Kaya Ko Ito’ attitude at kailangang magawa ko. Kung minsan kasi parang napapagod ka na kung iisipin pa lang na gawin at wala kang sigla para umpisahan. Sa halip na isiping para kang mahihirapan, palitan ang iniisip at gawin ito. Just do it ika nga. Ibigay mo na ang iyong lakas at tsansa para maging malinis at maayos ang loob ng bahay. Mas masarap kasi sa pakiramdam at maginhawang tingnan kapag nakita mong maayos na ang lahat. Kapag tapos ka na, makikita mo ang maayos na resulta. Matutuwa ka dahil nagawa mo nang tagumpay ang paglilinis at pag-oorganisa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page