ni Angela Fernando - Trainee @News | February 21, 2024
Naihatid na sa Zamboanga del Sur ang mga labi ng 6 sundalong namatay sa nangyaring engkwentro ng militar laban sa Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) para sa vigil.
Dinala ang mga ito sa 1st Infantry Division sa Camp Major Cesar Sang-an headquarters sa Labangan, Zamboanga nitong Pebrero 20.
Ito ay kinumpirma ng Philippine Army spokesperson na si Col. Louie Dema-ala.
Nasawi ang mga 6 sundalo at 3 terorista sa engkwentro sa Brgy. Ramain, Munai, Lanao del Norte nu'ng Pebrero 18.
Enlisted military personnel naman ang 6 na namatay at 3 dito ay corporal, isang private first class, at private ang dalawa pa.
Comentários