ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 2, 2021
Patay ang anim na katao at inilikas naman ang mga residente mula sa dose-dosenang villages sa southern Turkey matapos manalasa ang wildfire.
Ayon sa mga eksperto, lumalawak ang mga naaapektuhang lugar dahil sa malakas na hangin. Maging ang mga residente sa tourist city na Bodrum ay inilikas din dahil nadamay na rin ang naturang lugar sa wildfire na nararanasan sa kalapit na distrito nito na Milas dahil sa malakas na hangin.
Mahigit 540 residente na rin ang inilikas gamit ang mga bangka dahil hindi na madadaanan ang mga kalsada. Ayon sa datos ng EU, nakaranas na ang Turkey ng 133 wildfires ngayong 2021.
Pumapalo rin sa 49.1 degrees Celsius (120.3 Fahrenheit) ang temperatura sa southeastern town ng Cizre. Samantala, nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibleng pananatili ng mataas na temperatura sa ilang lugar sa bansa.
Comments