ni Lolet Abania | January 11, 2022
Anim mula sa 48 na mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na sumailalim sa random antigen tests ngayong Martes ng umaga ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa ulat, isinagawa ang mga testing sa apat na MRT3 stations, sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue.
Ang mga indibidwal na nag-positive sa test ay hindi pinayagang bumiyahe at pinayuhang agad na mag-isolate habang agad na inatasang agad makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units (LGUs).
Samantala, ang bilang naman ng mga empleyado ng MRT 3 na nagpositibo sa CPVID-19 sa pamamagitan ng RT-PCR ay umakyat na 147.
Sa ngayon, ang mga nasabing personnel ay naka-home quarantine na habang ang iba naman ay nasa quarantine facility. Nasa kabuuang 753 empleyado ng MRT3 ang sumailalim sa RT-PCR test.
Comentarios