ni Jasmin Joy Evangelista | January 9, 2022
Aksidenteng nabakunahan ng COVID-19 vaccine ang isang anim na buwang sanggol sa Santa Maria, Bulacan.
Ayon sa ina nito, pneumococcal vaccine dapat ang ituturok sa bata.
Ayon pa rito, nilagnat ang kanyang anak matapos maturukan.
"'Yung future effect po kay baby kasi siyempre, baby pa 'to. So 'yung mga internal organs niya baka hindi kaya 'yung gamot, Puwede ba itong maging cause ng pagiging special child?" pangamba ng ina.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng LGU at health officials ang insidente, habang mino-monitor din ang kondisyon ng sanggol.
Comments