top of page
Search
BULGAR

6 months kulong at P50-K multa sa mga inggrata’t inggratong nangdi-discriminate sa mga frontliner!

ni Imee Marcos - @Buking | August 5, 2020


‘Kaloka ang umiiral na diskriminasyon sa ating mga medical frontliners tulad ng mga nurses, doktor at iba pang medical practitioner ngayong panahon ng COVID-19.


Kung natatandaan n’yo, mga besh, noong unang bahagi pa lang ng pananalasa ng COVID-19, magkakasunod na napaulat na diskriminasyon sa mga health workers at meron pang mga nasaktan. Grabe to the max ang hindi magandang trato. ‘Kalokah!


Kabilang dito ‘yung mga nai-report na dahil sa takot na makapanghawa sila ng virus, mayroong mga health workers ang pinalayas sa kani-kanilang tirahan ng mga may-ari ng bahay na kanilang nirerentahan, meron ding insidente na pinalabas sila ng restoran dahil sa pangamba na makapanghawa sila ng ibang mga kustomer.


Nakalulunos dahil naiulat din ang kawalan nila ng maayos na access sa mga pangunahing serbisyo sa publiko na tulad ng transportasyon, laundry, hinaharang at pinagmumulta sa mga checkpoint.


Masaklap din ang dinanas ng mga medical workers natin na dahil sa walang mapuwestuhan at matulugan sa mga ospital napilitan na rin silang matulog sa mga funeral chapels na pansamantala nilang tinigilan habang nasa kasagsagan ng pagkalat ng COVID-19.


Pinakamatinding diskriminasyon na dinanas ng mga health workers noong Abril kung saan nabalitang may sinaktan ng pisikal, sinabuyan ng bleach at winisikan ng chlorine dahil sa pag-aakalang sila’y COVID-19 positive.


Buwis-buhay na nga sila sa paglaban sa deadly virus, buwis-buhay pa rin sa pagsalag sa mga pasaway. Eh, hindi lang sila, mga besh, ang nadi-discriminate, pati na rin ‘yung mga hinihinala pa lang na tinamaan ng virus at iba pang frontliners na tulad ng mga pulis, tindero, basurero, etc. magpahanggang ngayon!


Kaya naman, mega-push tayo sa ating Senate Bill 1430 na inihain kontra sa ganyang mga diskriminasyon, na magpaparusa sa mga inggrata’t inggratong nangdi-discriminate ng frontliners at health workers, tulad ng pagkakabilanggo nang hindi bababa ng anim na buwan at multang P50, 000. Oh, ano na, discriminate pa more? May katapat na kayong parusa!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page