ni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/6bbb76_babaecfeb56c454aa7c9b0681cd846fa~mv2.jpg/v1/fill/w_820,h_491,al_c,q_85,enc_auto/6bbb76_babaecfeb56c454aa7c9b0681cd846fa~mv2.jpg)
Sinusubukan ngayon ng mga awtoridad na alamin ang kinaroroonan ng anim na Chinese nationals na na-kidnap nu'ng Lunes.
Ayon kay Cosme Abrenica, hepe ng Police anti-kidnapping, kanila pang iniimbestigahan ang nangyaring kidnapping sa siyam na biktima sa bandang timog-silangan ng Maynila.
Anim sa mga nadakip ng mga kidnapper ay Chinese at kasalukuyan pang ayaw pangalanan.
Samantala, ang tatlong Pilipinong kasama sa na-kidnap ay agad pinakawalan.
Nagbigay naman ng pahayag ang isa sa mga ito na bigla silang pinasok ng mga suspek sa kanilang tahanan, ayon kay Philip Aguilar, hepe ng pulisya sa bayan ng Calauan kung saan nakuha ang ibang biktima.
Wala pang impormasyon ang pulisya sa nangyari at kanila pang inaalam ang motibo ng mga hindi nakikilalang suspek.
Hinihinalang may kinalaman ang krimen sa reklamong natanggap nila galing sa China tungkol sa sinasabing ilegal na online gaming.
Comentários