top of page
Search

6,000 residente ng Makati, mangunguna sa Pooled Swab testing ng Go Negosyo

BULGAR

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | September 7, 2020




Hello, Bulgarians! Inanunsiyo ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na 6,000 indibidwal ang sasailalim sa kanilang Pooled Swab Testing na gaganapin sa Makati City sa pangunguna ni Mayor Abigail Binay.


Lubos na nagpapasalamat si Concepcion sa kanyang long-time partner at Big brother, ang BDO Foundation na pinangungunahan ni Tessie Sy-Coson sa walang sawang pagsuporta at pagbibigay ng pondo sa pilot run sa Makati City. Ito umano ang magiging game-changer sa bansa para mabawasan ang gastos sa individual RT-PCR testing sa ilang munisipalidad sa NCR at CALABARZON.


Isa ang Makati City sa mangunguna sa paggawa ng pooled PCR testing ng Go Negosyo sa buong NCR. Makikiisa rito ang mga public market vendor at tricycle driver na mataas ang exposure sa virus.


Ayon kay Mayor Binay, “Pooled testing will be helpful not just to our constituents but also to our business community who are unable to afford the P3500 PCR test. Hopefully, this will encourage our companies to open up, our employees will be assured that they are not spreading the virus as well. Hopefully, ‘eto na po ang sagot na hinihintay nating lahat so we can all move forward, living with COVID.”


Patuloy na makikipagtulungan ang Go Negosyo sa mga pribadong sektor para maisagawa ang pooled testing sa iba’t iba pang lugar sa NCR tulad ng Caloocan City, Las Piñas City, Malabon City, Mandaluyong City, Manila City, Marikina City, Municipality of Pateros, Muntinlupa City, Navotas City, Parañaque City. Pasay City, Pasig City, Quezon City, San Juan City, Taguig City at Valenzuela City.


Ilan sa mga pribadong sektor na tumulong at nagbigay na ng pondo para sa NCR-wide testing ang National Grid Corporation of the Philippines, PLDT Smart Foundation, RFM Corporation, LT Group, Wilcon Depot, First Philippine Holdings Corporation & Lopez Group of Companies, GT Capital Holdings, Yazaki-Torres Manufacturing, Inc., Mercury Drug Corporation, Unilab Corporation, Filipino Chinese Community Calamity Fund at marami pang iba.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page