ni Lolet Abania | December 10, 2021
Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na walang bagong COVID-19 admission mula Disyembre 5 hanggang 9 na ini-report ang kabuuang 598 ospital sa buong bansa.
“We have observed that nationally, 48.5% of hospitals reported no new COVID-19 admissions in the past 5 days,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing ngayong Biyernes.
Ayon kay Vergeire, nangunguna ang Region XII sa zero COVID-19 admission na nasa 75.4% ng kanilang mga ospital, kasunod ang Bangsamoro Region na nasa 73.1%, at Region X na 65.7% ng kanilang mga ospital. Batay sa data ng DOH, nabatid na mayroong 49 ospital sa Region XII, 19 ospital sa BARMM, at 46 ospital naman sa Region X.
“Meanwhile, 11% of level 3 hospitals in the NCR reported no new COVID-19 admissions in the past five days,” sabi pa ni Vergeire. Sinabi pa ng kalihim na ang national admission ay patuloy na bumababa at kasalukuyang nasa low-risk utilization na 20%, habang ang ICU admission naman ay patuloy na rin sa pagbaba at nasa low risk na 25% sa ngayon
Comments