ni Gina Pleñago | April 21, 2023
Pinalaya na ng Bureau of Correction ( BuCor) ang 580 persons deprived of liberty (PDL) mula sa iba't ibang penal farm sa bansa kahapon ng umaga.
Tinanggap nila ang sertipiko ng paglaya mula sa BuCor sa simpleng seremonya sa New Bilibid Prison (NBP).
Pinangunahan nina Department of Justice (DOJ) Sec. Crispin Remulla, BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. at Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta ang naturang seremonya na may temang Bagong Buhay at Pag-asa, Pagbabago'y Matatamasa".
Nasa 353 rito ang nabigyan ng parole dahil sa ipinamalas na magandang record sa bilangguan habang ang iba ay napawalang-sala ng korte at natapos na ang kani-kanilang hatol.
Binigyan-diin ni Catapang na asahan pa sa mga susunod na linggo o buwan ang pagpapalaya sa mga PDL na isa sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Comentarios