571 dagdag na Delta variant cases — DOH
- BULGAR
- Dec 6, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | December 6, 2021

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 571 kaso ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant na umabot na sa kabuuang 7,848 cases.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula ito sa pinakabagong na-sequenced sa 629 samples, kung saan isa ang nagpositibo sa test sa Beta variant habang isa rin ang positibo sa test sa Alpha variant.
Umabot naman sa kabuuang 3,630 Beta variant cases at 3,168 Alpha variant cases ang naitala sa bansa.
Batay sa datos ng DOH, lumabas na ang Delta variant ang nananatili pa rin sa tinatawag na most common lineage sa bansa mula sa mga sequenced samples ng 40.54%, kasunod ang Beta variant ng 18.75%, at Alpha variant ng 16.36%.
Sa ngayon, nakapag-sequenced na ang bansa ng kabuuang 19,305 samples na na-assigned na may lineage.
Samantala, sinabi ni Vergeire na wala pang na-detect na Omicron variant, isang variant of concern na mayroong 50 mutations habang ito ay may tinatayang 30 mutations in spike protein sa bansa.
“Out of all of those samples tested in this latest whole-genome sequencing run, wala pong na-detect na Omicron variant. Most of the detections were that of the Delta variant,” sabi ni Vergeire sa media briefing ngayong Lunes.
Comments