ni Thea Janica Teh | November 21, 2020
Tinatayang nasa 57.17 milyon na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo nitong Biyernes at 1,365,111 dito ang namatay na, ayon sa tally ng Reuters.
Ang mga naimpeksiyon ay mula sa 210 bansa kabilang ang China kung saan unang nagkaroon ng kaso noong Disyembre, 2019.
Nangunguna ang US sa may pinakamataas na bilang na 11,737,129 kaso at 252,493 ang namatay. Sinundan naman ito ng India sa 9,004,365 kaso at 132,162 ang namatay; Brazil sa 5,981,767 kaso at 168,061 ang namatay; France sa 2,086,288 kaso at 47,127 ang namatay at Russia sa 2,039,926 kaso at 35,311 ang namatay.
Samantala, nakapagtala naman ang Pilipinas nitong Biyernes ng kabuuang 415,067 bilang ng kaso ng COVID-19 at 8,025 dito ang namatay.
Comments