55 bagong kaso ng Delta variant COVID-19
- BULGAR
- Jul 25, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 25, 2021

Nasa 55 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 ang na-detect sa bansa ngayong weekend, ayon sa Department of Health.
Sa datos na inilabas ng Philippine Genome Center, nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang 119 cases ng Delta variant nitong Sabado, Hulyo 24. Sa kabuuang bilang ng naturang variant, 12 ang active cases, 103 ang nakarekober habang apat na ang nasawi.
Ang Delta variant na unang na-detect sa India ay naiulat na mas mabilis makahawa kumpara sa orihinal na strain kaya muling nagpatupad ang pamahalaan ng mas mahigpit na quarantine restrictions tulad ng mahabang curfew hours.
Samantala, ayon sa DOH nakapagtala naman ng 94 karagdagang kaso ng Alpha variant na unang na-detect sa United Kingdom, kaya umabot na sa kabuuang 1,773 cases, kung saan 19 ang active cases; 1,636 ang nakarekober at 116 ang nasawi.
Sa Beta variant, na unang na-detect sa South Africa, mayrooong 179 bago kaso nitong Sabado na nasa kabuuang 2,019, kabilang dito ang 19 active cases; 1,926 ang gumaling at 72 ang namatay.
Mayroon namang 9 karagdagang kaso ng Theta o P.3 variant na unang na-detect sa Pilipinas, na may kabuuang 244, kabilang ang isang active case; 240 ang nakarekober at 3 ang nasawi. Nakapagtala naman ang DOH ngayong Linggo, Hulyo 25 ng 5,479 bagong kaso ng COVID-19, kaya pumalo na sa 1,548,755 kaso ng sakit, kabilang dito ang 54,262 active cases; 1,467,269 ang nakarekober habang 27,224 ang namatay.
Comentários