ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 2, 2024
Nagluluksa ngayon ang Kapuso actress na si Katrina Halili dahil sa pagkamatay ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeremy Guiab.
Bumuhos din ang pakikiramay ng mga kaibigang Kapuso stars at maging ang mga direktor na kanyang nakatrabaho sa GMA-7.
Si Jeremy Guiab (54 years old) ay dating vice-mayor ng WAO, municipality of Lanao Del Sur.
Ang BFF niyang si QC 3rd District Councilor Don de Leon ang nag-post sa social media ng pagkamatay ni Jeremy due to heart attack noong Jan. 28, 2024.
Bihira ang nakakaalam na may karelasyong non-showbiz si Katrina Halili. Hindi kasi siya nagpo-post ng mga larawan nila ni Jeremy Guiab.
Masakit para kay Katrina ang biglaang pagpanaw ng BF niya. May pangako kasi ito na aalagaan sila ng kanyang anak na ngayon ay 12 years old na.
Payo naman ng ilang kaibigan na nagmamalasakit kay Katrina ay magpahinga muna sa kanyang mga commitments upang maka-move on sa pagpanaw ng kanyang karelasyon.
Mabuti na lang at advanced na ang kanyang teyping sa Black Rider at nakunan na ang mga eksena niya.
Gumaganap siya bilang si Ramona sa BR na kabilang sa sindikatong Golden Scorpion.
Comments