top of page
Search

526 stranded sa Bicol dahil sa Bagyong Ofel

BULGAR

ni Lolet Abania | October 14, 2020




Umabot sa 526 indibidwal ang na-stranded sa Bicol region ngayong Miyerkules dahil sa hagupit ng Bagyong Ofel, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) V.


Sa report ng OCD, may kabuuang 156 trak, 41 light vehicles at 17 sasakyang pandagat ang hindi nakabiyahe at stranded. Mayroon pang 11 sea vessels na nananatili sa ilang pantalan sa Bicol.


Sa mga na-stranded na indibidwal, 112 dito ang nasa Albay habang 414 sa Sorsogon.


Ayon sa PAGASA, ikalawang beses nag-landfall ang Tropical Depression Ofel sa bahagi ng Matnog, Sorsogon bandang alas-6 ng umaga kanina.


Gayundin, nagpalabas na ang PAGASA ng ulat sa 17 lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Signal No. 1 dahil sa Bagyong Ofel. Nakararanas na rin ng malalakas na pagbuhos ng ulan at bugso ng hangin sa malaking bahagi ng bansa.


Patuloy naman ang ginagawang pag-monitor ng ahensiya sa galaw ng nasabing bagyo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page