ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 5, 2023

Umabot sa 51 Palestinian ang namatay na karamihan ay mga kababaihan at bata sa ginawang pambobomba ng Israel sa Maghazi camp sa Gaza noong Sabado ng gabi, ayon sa Palestinian news agency na WAFA.
Gayunpaman, hindi pa makumpirma ng Reuters ang ulat ng WAFA sa pamamagitan ng kanilang sariling imbestigasyon.
Hindi kasi agad nagbigay ng pahayag ang Israeli military ukol dito.
Ayon kay Ashraf al-Qidra, ang Hamas-run Health ministry spokesperson sa Gaza, marami ang namatay at daang tao na may malalang sugat ang nakahiga sa sahig ng emergency room ng isang ospital.
Matatagpuan ang Maghazi sa Deir al-Balah Governorate sa gitnang bahagi ng Gaza Strip.
Ayon sa Israel, Hamas ang pinupuntirya nila, hindi ang mga sibilyan, at inaakusahan ang rebeldeng grupo na ginagamit ang mga residente bilang human shield.
Comentários