top of page
Search
BULGAR

51-anyos na kasambahay na minaltrato ng Ph ambassador, tutulungan

ni Thea Janica Teh | October 28, 2020



Tutulungan ng Blas F. Ople Policy Center ang 51-anyos na kasambahay na minaltrato ng Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro.



Ayon kay Susan Ople na head ng Ople Policy Center, “We just want her to know that our organization is willing to help her get through this, legally and even financially, because we know how difficult it is to be caught in a situation wherein you need to defend yourself against a person of authority, which in this case is no less than a Philippine ambassador.”


Matatandaang kitang-kita sa CCTV footage ang ilang beses na pananakit ni Mauro sa kasambahay na isa ring Pinay.


Napag-alamang nakauwi na ng Pilipinas ang kasambahay nito lamang Oktubre 21 nang magsimulang mag-imbestiga ang Brazil.


Inaaksiyunan na rin ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) at pinagpapaliwanag ni Secretary Teodoro Locsin, Jr., si Mauro sa pagmamaltratong ginawa sa kasambahay.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page