top of page
Search

50th Gold, naibulsa ni E-Karateka De Los Santos

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | April 13, 2021




Nakamit ni dating two-time Southeast Asian Games medalist Orencio James “OJ” De Los Santos ang kanyang ika-50th gold medals sa virtual kata-competitions nang sipain ang kampeonato sa Katana Intercontinental League #3 ngayong Abril.


Ito na rin ang ika-14 na gintong medalya ng 31-anyos na dating national team member ngayong taon sa Individual Kata-Male Seniors event kung saan tinalo niya sa elimination round sina Remi Bonneau ng France (22.0), Cornelius Johnsen ng Norway (23.82) at Alfredo Bustamante ng U.S. (24.12) para sa leading score na may 25.0 points.


Sa final round ay tinalo ng International Shotokan Karate Federation karateka na si De Los Santos ang mahigpit na karibal na si Domont Matias Moreno ng Karate-Do Biel-Bienne ng Switzerland sa 27.4-26.38.


I’m happy with not only the fact that I won my 14th Gold, but if I add the 36 from last year, this is already my 50th gold medal overall,” pahayag ni De Los Santos sa panayam ng Bulgar Sports sa online messaging. “This motivates me to join more tournaments and win as many gold medals as I can for this year. I also want to continue to keep the sport of karate alive, despite the trying times everyone is going through.”


Nasundan ito ng mga nagdaang panalo ng 8-time national games champion kasunod ng 2021 2ng leg ng Athlete’s E-Tournament, 2021 Kamikaze Karate E-Tournament, 2nd leg ng Budva Winner-Adria Cup, 2nd Leg ng E-Karate World Series, #2 Katana Intercontinental league Paris, 2nd leg ng Sportsdata e-tournament World series, Adidas US Karate Open E-Tournament noong isang buwan, habang nanalo rin ito ng gintong medalya sa Athlete’s E-Tournament Series #1, at Budva Winner-Aria Cup #1 eTournament, habang nakuha nito ang ang pinakamataas na puntos sa online-virtual competition sa 1st leg ng Katana International League.


Nakapagwagi na rin ng ginto ngayong taon ang multi-titlist na De La Salle University graduate sa E-Karate World Series 2021, 1st Inner Strength Martial Arts International eTournament at 2021 Sportsdata eTournament World Series #1 online competition.Noong isang taon ay kumana ito ng kabuuang 36 gold medals at makuha ang World No.1 sa e-kata male individual category.





0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page