50 taon ng Kabataang Barangay: Mula Marcos Sr. hanggang Marcos Jr.
- BULGAR
- Apr 11
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | Apr. 11, 2025

Ika-50 anibersaryo ng Kabataang Barangay sa Abril 15, 2025.
Nineteen seventy five nang lagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Endralin Marcos Sr. ang Presidential Decree No. 684.
Happy anniversary sa mga kapwa nating KB officers, KB officials at KB member — kasama na ang school chapters!
----$$$--
Isa ang inyong abang-lingkod na nagsilbing KB chairman sa loob ng 10 taong singkad mula 1975 hanggang 1985.
Pinalitan ang pangalan ng KB tungo sa Sangguniang Kabataan (SK) noong 1986 — sa pag-upo ni Tita Cory.
----$$$--
Kabilang din tayo sa naging pangulo ng Pederasyon ng mga KB chairman sa bayan ng Balagtas, Bulacan kung saan nagsisilbi ring konsehal ng bayan dahil ikinakatawan ang youth sector.
Ilan sa mga kilalang dating KB Federation president sina Defense Secretary Gibo Teodoro (ex-KB Provincial president ng Tarlac at Region 3, president) kung saan tayo nabibilang noong 1980.
-----$$$--
DATING KB Federation president din si Sen. Francis Tolentino (Tagaytay/Cavite), Agrarian Secretary Conrado Estrella JR (Cagayan) at dating Sen. Leila de Lima (Iriga City).
-----$$$--
KABILANG din sa dating KB president si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, Father Albert Alejo, SJ (Obando, Bulacan) at ex-Congressman Egay Erice (Caloocan).
Hindi na natin mababanggit ang iba pero kabilang dito ang ilang nakaupong gobernador, vice governor, mayor at dating bokal, konsehal at mga hepe ng ahensya ng gobyerno.
----$$$--
ANG leadership training ng KB ay ginaganap noon sa Mt. Makiling, Los Baños, Laguna at unang dumalo rito ang ating incumbent President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. noong 1975 bilang panauhing pandangal kasama ang kanyang ama.
Gayunman, sa mga kasunod na okasyon ay pinalitan na ni Sen. Imee Marcos na nagsilbing honorary chairman ng national federation at hepe ng KBNEC kasangga si dating MIA manager Eric Ines kung saan ang unang national federation president naman ay si Bambie Tensuan ng Muntinlupa.
-----$$$---
NAGING panauhing pandangal si Sen. Imee sa selebrasyon ng Balagtas Day sa Balagtas, Bulacan noong Abril 2, 1977 kung saan ang inyong abang-lingkod ang nangasiwa ng pagtanggap.
Kinabukasan, dumalo naman siya kasama rin tayo noong Abril 3 sa isang okasyon sa Obando, Bulacan na inorganisa ni KB Federation president Fr. Alejo.
-----$$$--
MARAMING alaala tayo sa panahon ng KB sa loob ng 10 taon dahil sa serye ng seminar-workshop ng leadership training at Filipino ideology.
Nakatakda ang Golden Grand Reunion ng KB sa Cebu City sa Abril 14-16, 2025 at inaanyayahan ang mga dating opisyal na dumalo.
----$$$--
SA Maynila, may aktibidad ng mahabang motorcade mula Luneta hanggang Makiling sa araw ng Linggo, Abril 13 — makipag-ugnayan sa host-federation ng KB Manila.
Sa Region 3, inaanyayahan ni former KB Regional Secretariat chief Bebot Diaz ang mga dating KB president ng Central Luzon sa Sabado, Abril 12, sa Barangay Care, Tarlac City — libre at walang registration fee.
Inaasahan natin ang masigabong pagdaraos ng 50th KB Grand Anniversary celebration kasabay ng Semana Santa.
Mabuhay po, KBGan! Makialam, Makialam!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Antique diving helmets, made from bronze or copper with thick glass visors, are striking and dramatic pieces. As decor, they https://vintageshipsalvage.com/ stand as powerful reminders of deep-sea exploration and offer a bold focal point steeped in maritime history and adventure.
Infection control and cleanliness are top priorities at Burloak Centre Dentistry. The clinic follows strict sterilization https://www.burloakcentredentistry.com/ protocols and maintains a hygienic environment, reassuring patients that their health and safety are always protected.
Auburn Centre Dental accepts most insurance plans and offers direct billing to simplify the payment process. For those auburn centre dental without insurance, flexible payment options and financing plans are available, making dental care accessible to more individuals and families in the community.